Aantayin Mo Pa Bang Mahuli Ang Lahat? 
(Malayang Dagli)

                       Kalbong kagubatan, maruruming ilog at sapa, gumuhong mga lupain at pabagu-bagong klima - ilan lang yan sa mga senyales ng patuloy na lumalalang pag-abuso natin sa kalikasan. Marami na ang naaapektuhan ng mga pangyayaring ito at isa sa kanila ay ang mga hayop. Nawawalan na sila ng natural na tahanan at mga pagkain. Tayong mga tao ay isa na rin sa mga naaapektuhan dahil na rin sa kagagawan natin. Pagmasdan mo ang karagatan, kayrami ng mga isda ang namatay dahil sa maling paraan ng pangingisda. Pagmasdan mo ang mga bundok, halos pumatag na dahil sa patuloyna pagguho ng lupa dahil na rin sa patuloy na iligal na pagputol ng mga puno na siyang sumusuporta rito. Pagmasdan mo ang kalangitan, bihira ka nalang makakakita ng ibon na dati nuon ay karaniwan lang na madalas mong makita na naglilipadan sa himpapawid. Aantayin mo pa bang mahuli ang lahat? Kapag naputol na ang huling punong nakatindig, kapag nalason na ang huling ilog, dagat at sapa, kapag nahuli na ang huling isda, kapag nalaman mong hindi mo makakain ang iyong napakaraming pera, malamang ay doon mo lamang maiintindihan na huli na nga ang lahat. 








Post a Comment

myANIMEbox

Search This Blog

ShareThis

 
Top