Barkadahan sa Eskwelahan
(Dagli: Eskwelahan)
Walang tao
ang kayang mabuhay ng mag-isa. Lahat tayo ay kailangan ng kaibigan o kabarkada.
Isa ka na sa masusuwerteng tao kung meron kang isa o higit pang mga totoong
kaibigan o kabarkada. Sabi nga nila mas marami mas masaya kaya kapag konti lang
kayo malamang malungkot kaya hahanap pa kayo ng mga bagong tao sa eskwelahan na
kakabarkadahin. Madalas makahanap ng mga bagong kaibigan o kabarkada sa
eskwelahan, kung saan parehas kayong estudyante na dapat magpakahirap sa pag-aaral
at kung saan madalas kayong magkita. Sa tuwing papasok, mga kabarkada ang una
mong lalapitan at kakausapin at ganun din naman sila, sila ang unang mga taong
babati sa'yo. Masaya ang bawat isa sa tuwing sama-sama ang barkada sa
eskwelahan. Konting asaran, konting biruan, konting tawanan, pero maya-maya pag
nalamang may takdang-aralin malamang ay kopyahan na siyang nangangahulugan na
tunay ngang sa barkadahan walang iwanan at laglagan. Minsan hindi nawawala ang
tampuhan ngunit pag nalampasan ay siya namang lalong nagpapatibay sa samahan.
Maganda talaga kung may kabarkada ka. Maraming mga magagandang bagay ang
pwedeng idulot nila sa'yo pero hindi rin naman nawawala ang mga may masasamang
intensiyon na ang gusto lamang ay isama ka sa madilim na mundo kung saan
masisira ang iyong buhay at kinabukasan kaya ang dapat mong gawin ay piliin mo
rin ang iyong mga kakabarkadahin at maging mabuting ehemplo ka sa kanila kung
saan sila ang hahatakin mo pataas sa mabuting landas kaysa sumunod sa kanila sa
madilim nilang mundo.
Wow! Ang ganda nang message! Sakit.info
ReplyDelete