Aking Repleksyon sa Akdang "An Engineer Replies"


                Ang akdang ito ni Ben Buenaventura ay lubos kong hinahangaan. Ito ay isa sa mga basahin na talagang kinawiwilihan ko. Mga akdang may kinalaman sa akin at sa bansang ito na tila bulok na ang sistema. 
                Sa bansang ito tila nga malabo ang pag asenso kung wala kang pinag-aralan pwera nalang kung magiging mapalad ka tulad ni Pacquiao. Ang Engineering ay mahirap pero dahil nga sa medyo tiyak ang magandang kita at magandang katayuan pag nakatapos ay marami rin ang sumusubok nito kahit sa katotohanan na hindi naman ito ang gusto nilang kurso. Sa Engineering tuturuan nila tayo ng maraming kumplikadong bagay pero hindi naman natin alam kung para saan ang mga ito siguro sa pagdating ng araw malalaman natin iyon. Sa akdang ito nabanggit ni Ben Buenaventura ang Westinghouse Nuclear Plant, sinu-sino ba namang mga loko-lokong inhinyero ang gumawa nun? Talagang napagkasiyahan yata nila na sa fault zone pa itayo yung planta dahil dun hininto na ang pagpapatakbo nito. Nabanggit din niya ang  trahedya sa Angat Dam, sa aking pagsasaliksik ang Angat Dam ay hindi pumasa sa international standards ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), wala rin itong accelerometer para masukat ang tubig na pumapasok sa Dam, at higit sa lahat ito rin ay napakalapit sa west valley fault line na pag nagkalindol ay agad na masisira ang Dam. Dahil dito, hindi na ako nagtataka na nangyari ang trahedya na kumitil ng maraming tao na karamihan ay Bulakeno at hindi na rin ako magtataka na may mas malala pang trahedya ang dulot nito sa darating na mga araw. Marami siyang mga interesanteng mga tanong. Bakit nga ba buhul-buhol ang trapiko araw-awaw? Bakit nga ba yung mga naghihirap na payabungin ang mga ekta-ektaryang lupa ay walang sariling lupa? Bakit nga ba ang mga waiter sa mamahaling restaurant ay hindi matikman ang pagkaing kanilang inihahanda at bakit ang mga minerong naghihirap magmina ay maliit lang ang sweldo? Ikukulong pa sila pag pumuslit sila ng kakaunting pirasong ginto dahil napakaraming malalaking tipak ng ginto naman ang kanilang naibibigay sa may hawak sa kanila. Hindi nasagot o sadyang ayaw nilang sagutin ang mga tanong na ito kahit alam naman talaga nila ang kasagutan. Mahirap palang pagsabayin ang pag-ibig at ang pag-aaral ng Engineering. Kailangan mo pa siyang ihatid sa bahay sa halip na unahin mo ang pagbabalik-aaral ng iyong mga leksiyon. Pero sa kwento niya nakikita ko na nahihirapan siya pero masaya naman kahit hindi niya ito nabanggit sa kanyang akda. 
               Mahirap abutin ang ating mga pangarap pero kailangan gawin natin ang lahat upang ito'y makamit. Kailangan nating tulungan ang bansang ito dahil walang ibang gagawa nito para sa atin at pinaka importante huwag na tayong tumulad sa mga buwitreng sumisira nito. Oo nga't mahirap ang Engineering pero mas mahirap ang walang pinag-aralan.






Next
This is the most recent post.
Previous
Older Post

Post a Comment

myANIMEbox

Search This Blog

ShareThis

 
Top