Sa
panahon ngayon hindi nawawala ang mga problema. Lahat ng tao ay may problema
yun nga lang, mas magaling lang ang iba sa pagtatago nito. Sila yung mga taong
hinding-hindi mo makikitaan ng senyales ng kalungkutan at pag-aalala na tila
wala silang mabigat na dinadala. Ikaw? May problema ka ba? Malamang ay mayroon.
Pwedeng ito’y mabigat, magaan o wala nang solusyon. Paano nga ba nasusukat ang
bigat ng problema? Ang sagot ay depende sa tao kung pano niya ito dadalhin.
Paano naman yung mga problemang walang solusyon? Ang sagot ay lahat ng problema
ay may solusyon. Ngayon kung wala na talaga itong solusyon, ito ay isa na
lamang katotohanan na dapat tanggapin.
Hindi ka dapat malungkot kung may problema ka sapagkat mayroon pang mga
taong nagdadala ng higit na mabibigat na problema kaysa sa iyo. Isipin mo
nalang ang pagsalanta ni Bagyong Sendong sa Iligan at Cagayan De Oro. Higit
walong daan ang namatay at higit isang libo pa ang nawawala at patuloy pa ang
pagtaas nito. Habang tayo aat ang iba ay nagpapakasaya at naghahanda sa
nalalapit na pagdating ng pasko, sila ay naghihirap at nagdurusa. Hanggang
ngayon ay nakatatak na sa kanilang puso’t isipan ang kalungkutan at kawalan na
idinulot nito. Kung makikita mo lamang sila ngayon ay masasabi mong masuwerte
ka pa pala ngayon sa estado mo. Hindi ka dapat maging malungkot sa buhay. Kung
ang mga bata nga sa lansangan na walang makain ay nagagawang ngumiti, ikaw pa
kaya? Hindi ko naman sinasabing tawanan mo lamang ang problema sapagkat wala
rin mangyayari kung tatawa ka lang ng tatawa. Ang dapat mong gawin ay ayusin mo
ang problema mo gamit ang tama at pinakamainam na solusyon.
Post a Comment